Kapag hindi mo matagpuan ang hinahanap mong kalinga sa iyong pantahanang pag-kalinga.

Nangangamba ka bang baka hindi sapat ang kakayahan ng iyong caregiver?

Mahirap maghanap ng sarili mong tagapag-kalinga

Kung lahat ay bahala sa iyo, sobrang hirap at tagal makahanap, magsanay, at mamahala ng caregiver

Walang nagpapaliwanag są iyo ng iyong mga pagpipipilian

Nakakalito ang insurance, iba’t ibang pagpipiliang kalinga at iba’t ibang halagang hinihingi nila

Bihirang makahanap ng mahusay na caregiver

Kapag kailangang palitan ng ibang caregiver ang nakatakdang caregiver, bihira kang sigurado na ang bagong caregiver ay kasinghusay ng nakatakdang careviger

Halatang kulang sila ng pagsasanay

Mukhang hindi mo maaasahan ang caregiver at hindi niya maaabot ang iyong minimithi - parang hindi iyon lakip sa kanilang pagsasanay. Bakit hindi İto alam ng kanilang tanggapan (ahensiya)

Dapat ganito sana...

Makahanap ka agad ng pantahanang tagapag-kalinga (caregiver) na tugma sa hinahanap mo, alam nila kung ano’ng gagawin, at maaasahan mong darating sila kapag kailangan mo

Ang kailangan mo ay…

Isang maaasahan at mapagkakatiwalaang paglilingkod. Sapat ang pagsasanay nila, Naiintindihan nila ang mga pangangailangan ng mahal mo sa buhay, at handa silang mag-alay ng pantahanang pag-kalinga, habang tinutulungan din sila ng kanilang tanggapan (ahensiya)

What you need_icon 1
makahanap ng pantahanang caregiver na lubos ang kaniyang pagsasanay at naiintindihan niya ang mga pangangailangan ng iyong mahal sa buhay
What you need_icon 2
Patuloy na ipinaaalam sa inyo ng kanilang tanggapan (ahensiya) ang bawat hakbang, balak at pagbabago mula sa simula
What you need_icon 3

Hindi n’yo kailangang alalahanin na mahuhuli o magiging atrasado ang caregiver, o na meron siyang kahalili sa panahon na kailangan

Four risky roads to the quality_icon

Apat na mapanganib na pamamaraan para makahanap ng mahusay na pantahanang pag-kalinga

Hindi pantay pantay sa pagsasanay, suporta, at paguukol ng lahat ng pantahanang tagapag-kalinga,

 

woman frustrated with home care agency

Mga tanggapang kulang ng karanasan at kapisanan

Hinihimok ng makinang na patalastas, may mga ahensiyang nagaalay ng serbisyo kahit na kulang sila ng karanasan. O kulang sila ng pangangasiwang karapat dapat at tanda ng isang mahusay na ahensiya. Waring nakatuon sila sa iyong mga pangangailangan, ngunit hindi nila ito kayang panindigan.

Pro Tip: Magtanong tungkol sa karanasan, pagsasanay, at mga sistema ng pangangasiwa.

Mga pag-iisip at kagawian ng malalaking korporasyon

Nangangako silang marami silang mga caregiver at magaling silang sumuporta ng kanilang mga caregiver. Ngunit nahihirapan silang pahalagahan kayo, at mukhang pakiramdam na rin ng mga caregiver na binabale-wala sila. Kahit sikat sila, hindi to katibayang mahusay sila

Pro Tip: Ihambing ang kanilang mga pagsusuring lokal at ang kanilang mga patalastas

national franchise home care worker with client
searching for home care worker online

Website kung saan kayo mismo ang nakikipagtugmaan sa mga ahensiya

Kung minsan, mukhang makakapagtipid ka ng iyong gastos kapag ikaw na mismo ang pipili ng iyong caregiver. Ikaw na ang magpapapel bilang tanggapan, tagapangasiwa ng bayad at sweldo, tagapag-sanay at tagasiyasat sa iyong caregiver.

Pro Tip: Isaalang-alang ang pamamahala ng HR, pananagutan, at pagsasanay na aasikasuhin ng isang ahensya

Ahensiyang abala sa tubo ng kanilang negosyo

Totoong bawat negosyo ay kailangang may tubo. Ang pananagutan bilang malaking ahensiyang abala sa tubo, ay pumipilit sa kanilang magtipid sila sa kahusayan at suporta sa kanilang mga caregiver. Dahil mas abala sila sa kanilang tubo sa halip na ilaan ang kanilang tubo at yaman sa pagpapahusay ng mga caregiver na siyang naglilingkod sa iyong mahal sa buhay.

Pro Tip: Tanungin sila tungkol sa mga benepisyong iniaalay nila sa kanilang mga caregiver, o tanungin kung ang mga manggagawa ba ang maya-ari ng negosyo

profit-centered agency

In-home care should be as committed_icon

Dapat ang iyong pangako at kompromiso sa iyong mahal sa buhay ay kahawig ng kompromiso at pangako ng iyong caregiver

Kailangan mo ng kalingang maaasahan mo

Papaano maghanap ng sunod na antas na pag-kalingang pantahanan
expert in home care