Courage Homecare ay bunga ng pananaw na nais baguhin ang hanap buhay sa pamamagitang ng pagbuo ng kooperatibang pagaari ng kanyang mga manggagawa. Naniniwala kami sa paglinang ng kakaibang kalingang makatarungan at uri ng buhay na marangal at magalang sa taong inaalagaan at sa manggagawang nagaalaga sa kaniya.
Kakaiba ang Courage Cooperative dahil ang mga caregiver ay siya ring mga may-ari ng negosyo. Dahil dito, sigurado kaming naiintindihan ng mga namamahala ang nga pangangailangan ng kanilang mga kliyente. Batay sa aming karanasan, mahusay ang mga caregiver sa kanilang larangan, at magaling silang gumawa ng matiwasay na kalagayan para sa kanilang mga kliyente.
Lubos at makabuluhan ang karanasan ko bilang manggagawa at kasapi ng Courage Homecare. Inihahandog namin ang pinakamahusay na pagkalinga sa aming mga kliyente (parokya) sa pamamagitan ng paglilingkod na mabisa, maaasahan, at mapagkakatiwalaan. Bawat araw ay bagong pagkakataong pahusayin at mas maiging maglingkod sa aming kliyente (inaalagaan o parokya) upang makamit nila ang kanilang pansariling adhikain. Malalim ang aking utang na loob na patuloy ang aking kita są nakaraang 10 taon, na galing sa liyag kong hanapbuhay.
Sentro ng mga Manggagawang Pilipino ng Timog California
Ang Sentro ng mga Manggagawang Pilipino ng Timog California (PWC ng Southern California) ay isang kapisanan na hindi pangkalakal. Pinatatatag namin ang kapakanan ng mga manggagawang Pilipino na nikikipamayan sa Los Angeles. Pumapatnubay siya sa lumalagong kilusan ng mga kasambahay (katulong) sa California at sa buong Estados Unidos. Ginagawa niya ito sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga batas na nagtatanggol ng kanilang karapatan, pagpapaunlad ng kalagayan nila bilang manggagawa, at mga pamamaraang kooperatiba. Nagsisilbi siya bilang Presidente ng Konseho ng mga Pangasiwaan ng Pambansang Alyansa ng mga manggagawang kasambahay
Ang pagtatag ng Courage Homecare ay bunga ng pagtaguyod at pagtanggol ng mga karapatan ng mga manggagawa, na nagbunga na rin sa pamayanan. Karamihan ng mga kasapi ng pamayanan ay nanguna sa pagbuo ng mga patakarang pampook at pang-estado, katulad ng pagtatag ng mga karapatang pang manggagawang kasambahay sa California noon 2013. Kasabay ng pagtatag nito ay ang pagtayo din ng ugnayan sa pagitan ng mga manggagawa at mga amo. Sa kasalukuyan, isa sa mga manggagawang may-ari din, si Teresita Sattar, ay nagsisilbing kasapi ng konseho ng Democracy At Work Institute (DAWI) - isang uri ng paaralang maka-demokratiko at pang-manggagawa. Itinataguyod ng DAWI ang pagpapaunlad ng mga samahang kooperatiba. Samantalang ang mga kasapi naming manggagawa at may-ay kasapi din ng Pambansang Alyansa ng mga manggagawang kasambahay na tinatawag na National Domestic Workers Alliance - NDWA. Dahil sa aming pagtapat sa Sentro ng mga manggagawang Pilipino (PWC), kasapi rin kami ng lupon ng mga tagapagkalinga ng buong salinlahi (o Care Committee in Caring Across Generations). Sama sama naming pinagbabago ang salaysay ng industriya ng pangtahanang pagkalinga
Nagningas ang pagunlad nang PWC sa kooperatibang Courage Homecare, dahil sa kasalukuyang kakulangan ng katarungan sa loob ng industriya ng pangtahanang pagkalinga. Sa gitna ng pagtanggol ng mga karapatang pangmanggagawa, nakakita ng paraan ang PWC kung papaanong palitan ng anyo ang industriya ng pantahanang pagkalinga (homecare). Itinatag ang kooperatibang Courage Homecare bilang tapat at matuwid na samahang makamanggagawa. Isa itong halimbawa na naguudyok sa kanyang mga kasaping manggagawa na ariin ang kanilang sariling kakayahan at hanap buhay habang nagaalay ng mahalaga at pangmatagalang suporta sa buong pamayanan.