Pakinggan and mga caregiver

Natuklasan ko ang sarili kong pamumuno dahil sa kagawian (kaugalian) ng manggagawang may-ari ng Courage Homecare. Natutunan kong magpasya ukol są aming hanap buhay bilang manggagawang may-ari. Ikinalulugod kong maging kalakip ng aming kakaibang samahang itinataguyod ang pagsibol (paglago) ng bawat kasapi, habang kaanib pa rin ng lipunan sa pagbabagong anyo ng hanap buhay bilang tagapag-kalinga.
Kasaping tagapangasiwa at Caregiver
Mary Clare Calma

Makabuluhan at lubos ang karanasan kong maghanap buhay habang kasapi ako ng Courage Homecare. Inihandog namin ang pinakamahusay na pagkalinga sa aming mga kliyente sa pamamagitan ng paglilingkod na mabisa, maaasahan, at mapagkakatiwalaan. Bawat araw ay bagong pagkakataong pahusayin at mas maiging maglingkod sa aming kliyente upang makamit nila ang kanilang pansariling adhikain. Malalim ang aking utang na loob na patuloy ang aking kita są nakaraang 10 taon, na galing sa liyag kong hanapbuhay
Tagapag-kalinga
Teresita "Tess" Sattar

Lakas loob at tiyaga ang kailangan para mag-alaga ng iba. Maaring mahirap harapin ang mga taong may sakit ngunit maari ring makiramay at kinaaliwan (kinasisiyahan) ko ang ganitong hanap buhay.
Tagapag-kalinga
Marichu Buenaventura